Nihil est tam occultum qoud non sit detegendum...
 
PortalHomeCalendarGalleryFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 ENCANTO (engkanto)

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Kababalaghan_Admin
Admin


Posts : 87
Join date : 2009-10-27
Age : 37
Location : Bicol, Philippines

PostSubject: ENCANTO (engkanto)   Mon May 03, 2010 3:29 pm

Ano ang encanto ? Ito ay salitang hiram sa mga Castila, na ang ibig sabihin ay ‘marahuyo’ o ‘magayuma.’ Kaya sa salitang Bicol, kapag sinabing na-encanto; ang taong yaan ay inaakit ng isang elemental. Sa paglipas ng panahon ang salitang encanto ay iniugnay sa salitang faerie. Dito na rin iniugnay na ang salitang encanto ay tumutukoy sa pangkalahatan katawagan sa mga elemental o maligno.

Ang Encanto ay sinasabing isang ‘sukdulang’ nilalang, ibig sabihin, kung ito’y pangit, pinakapangit ito; at kung maganda naman, pinakamaganda. Kaya’t hindi rin kataka-taka kung ang isang tao ay matulala o mawala sa sarili kung sakaling maka-enkwentro ng isang encanto.

Ayon sa matandang alamat, ang mga encanto ay karaniwan nang naninirahan sa ilalim ng lupa. Tulad din sa mga tao, ang mga encanto ay may kanya-kanyang uri ng pamumuhay. At natural, may banal at may demonio!

Sinasabing maliliit lamang na nilalang ang mga encanto. Kaya nga sa kanilang kakaibang laki, madalas ay matapakan sila ng mga naninirahan sa ibabaw ng lupa.

Karaniwan nang naninirahan ang mga encanto malapit sa ibabaw ng lupa (sa may paglabas lamang). Dahil sa kakapusan ng hangin sa malalim na lugar sa lupa, hindi sila makapanirahan doon, kaya sa malapit sa ibabaw sila nagtatayo ng mga tahanan.
Ang mga tinatawag na nuno sa punso ay ang imbakan ng hangin (oxygen) ng mga encanto. Ito raw ang dahilan kung bakit nakausli ito at nakalabas mula sa ilalim ng lupa, upang makasagap at makapag-ipon ng hangin na minsan ay hindi nasusumpungan sa ilalim. Ginagawa rin ng mga encanto ang lugar ng ugat ng halaman. Doon sila gumagawa ng butas upang daanan ng hangin.

Ang numero unong kaaway ng mga encanto ay ang mga pusa. Kaya nga madalas sa gabi lumalabas ang mga encanto, dahil sa gabi madalas gumala ang mga pusa.

Kung ang isang tao ay naging tulala dahil nakakita ng encanto, hindi ibig sabihin nito ay sinalbahe siya o ginawan ng masama ng encantong iyon. Ibig lamang daw makipagkaibigan ng encanto sa tao. Kung bakit nga lamang kinatatakutan sila. Sapagkat kung salbahe ang mga encanto, bawat bagay na mahulog sa atin sa lupa, ay di na natin matatagpuan pa, dahil puwedeng kunin iyon ng mga encanto. Pero hindi nila ginagawa dahil ibig nga nila ay makipagkaibigan. Tayo nga lang ang di makaunawa sa kanila.

Sinasabing kaya bihira na raw makakita ng encanto, dahil sa modernong nagiging kalagayan ng daigdig, unti-unti na ring nalilipol ang lahi ng mga encanto. Kaya’t ang manligaw sa taga-lupa ngayon ang pinag-kakaabalahan ng mga ito. Mga dalagang taga-lupa ang hinihikayat nila ngayon.

Tulad nang sinasabing naganap sa Aklan, tungkol sa encanto o fairy. Isang magandang dalagang nayon na nagngangalan Atilia, ang nagustuhan ng isang encanto na nagngangalan Joffrey Torodia. Sobrang seloso ang ancantong si Joffrey. Kung sakaling may aakyat ng ligaw sa babae, maraming nakasasaksi sa pambabato sa bahay nina Atilia.

Isang beses, isang lasing na admirer ni Atilia ang nabugbog ng di nakikitang kungsino, kaya’t nawalan ng malay ang pobreng lasing. Pero ipinaliwanag ni Atilia na pinagbilinan siya ng encanto na huwag siyang magpapaligaw o dadalawin ng sino mang lalake higit kung sila ay lasing. Maraming hindi naniniwala at nagtawa lang sa kuwentong ito tungkol sa encantong si Joffrey.

Samantalang ang lola ni Atilia na si Aling Rosario, o Tia Saring, ay galit na galit sa ayaw pakitang lalaking iyon na sinasabi ni Atilia. Ito raw marahil ang dahilan kung bakit minsan ay kinaladkad na lang siya ng kung sinong matangkad na lalake at isinubsob siya sa maruming tubig sa likod-bahay nila. Nang magsisigaw siya, at daluhan ng kanyang mister at ilang kapitbahay, bigla na lang naglaho ang lalake. Nakita rin ng mga sumaklolo ang lalake. Ang ipinagtataka lang nila, ay kung bakit bigla itong nawala na di nila nakita kung saan nagdaan.
Back to top Go down
View user profile http://kababalaghan.forumotion.com
uriel777



Posts : 3
Join date : 2011-11-03

PostSubject: Re: ENCANTO (engkanto)   Thu Nov 03, 2011 7:40 pm

ang umaga po sa mga enngkanto ay gabi sa mga tao kaya umaga sa mga tao ay gabi sa kanila 6:00pm nag-sisimula ang umaga sa mga engkanto
Back to top Go down
View user profile
 
ENCANTO (engkanto)
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Daigdig ng Kababalaghan :: WORLD MYSTERIES :: Philippines Creatures & Supernatural Beings-
Jump to: