Nihil est tam occultum qoud non sit detegendum...
 
PortalHomeCalendarGalleryFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 ANG AKING KAKAMBAL (2 of 4) by: John Capellan

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Kababalaghan_Admin
Admin


Posts : 87
Join date : 2009-10-27
Age : 37
Location : Bicol, Philippines

PostSubject: ANG AKING KAKAMBAL (2 of 4) by: John Capellan   Tue Jul 12, 2011 4:36 pm

Kinabukasan na ako nagkamalay sa private ward ng Lipa City District Hospital. May benda ako sa ulo, at may nakapasak na swero sa aking braso. May sugat din ako sa kanang binti dulot ng pagsabog. Naroon sina Irene at Jayson, at ang kapitbahay naming si Aling Tess. Alalang-alala sila sa akin. Nang pansamantalang lumabas ng kwarto sina Jayson at Aling Tess, ikinuwento ko kay Irene ang lahat ng nangyari. Mula sa pagkikita namin ni Allan (bagama’t hindi ko sinabing sa ospital kami nagkita) hanggang sa naganap na pagsabog. At gaya ko, hindi rin siya makapaniwala.

Si Irene ay isang Psychology teacher sa AMA Computer University sa Batangas City. Mahilig siyang magbasa ng mga libro tungkol sa behavior ng tao. At tama ako, isang premonisyon ang sinabi sa akin ni Allan. Ang tanong ay kung bakit nagkaroon siya ng ganoong premonisyon? At kung bakit bigla na lamang siyang nawala kagabi? At parang hindi naman pagbibigay-babala ang kanyang intensyon, kundi panunumbat na dapat na akong mamatay. Alam ni Irene ang tungkol sa aking pamilya. Alam niya noon pa na meron akong kakambal, at si Allan nga iyon. Ten years old lang kami ni Allan nang maghiwalay ang aming mga magulang, dahil sa pambababae ni Papa. Iniuwi ni Papa si Allan sa Mindoro, at wala pang isang buwan, isinama na niya ito sa Australia. Ang huling balita namin, nag-asawa uli siya roon. Ako naman, naiwan kay Mama. Five years ago, nagkasakit at namatay si Mama.

“Paano ka nakakasigurong si Allan ang nakita mo, Alex?” tanong sa akin ni Irene.

“Magkamukhang-magkamukha kami,” sagot ko.

“Pero matagal nang panahon na hindi kayo nagkikita.”

“Hindi ako p’wedeng magkamali, Irene. Siya ‘yon! At galit siya sa akin, gusto niya akong mamatay.”

Naputol lamang ang aming diskusyon nang bumalik na sa kwarto sina Jayson at Aling Tess. Silang dalawa ang naiwang nagbantay sa akin, dahil umalis din si Irene nang hapong iyon. Ipinagpasalamat kong Linggo ngayon at walang pasok si Jayson. Nagkaroon kami ng pagkakataong magbonding na mag-ama. Ngayon lang uli nangyari na magkakwentuhan kami ng matagal dahil sa pagiging busy ko sa “ibang bagay”. Sabay naming pinanuod si Spongebob Squarepants sa TV. At bilang alaala ng bonding na iyon, binigay ko sa kanya ang keychain kong Spongebob. Tuwang-tuwa siya, paborito nya kasi itong cartoon character. Kinumusta ko rin ang kanyang sakit, sabay binigyan ko siya ng tips kung paano ang gagawin sakaling sumpungin uli siya ng hika. “Bukod sa paggamit ng nebulizer,” sabi ko sa kanya, “importanteng lumabas ka sa open area para sa masmaluwag na paghinga.”

Kinailangan ding umuwi nina Aling Tess at Jayson pagsapit ng gabi. Naiwan akong mag-isa. Habang hinihintay kong dumating si Irene, nakatulog ako. Nang madaling araw na, naalimpungatan ako. Dama kong may kasama ako sa kwarto, pero hindi si Irene. Ang kakambal ko! Bigla akong napabalikwas ng bangon. “Allan!”

“Dalawang aksidente ang naligtasan mo. Masamang damo ka nga,” sabi niya.

“Bakit ka ba nagagalit? Ano ba’ng kasalanan ko sa’yo?” asik ko.

“Sa akin, wala. Pero sa pamilya mo, meron!” Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto. Ngunit dahil sa nakapasak na swero at sumasakit na sugat, hindi ko na siya nagawang sundan.

Pasado alas onse na ng umaga nang payagan akong makalabas ng ospital. May plaster pa ang sugat ko sa noo at sa binti. Ipinayo ng doktor na magpahinga na lang muna ako sa bahay, pero taliwas doon ang aking ginawa. Kumain lang ako at pagkatapos ay pumunta ako sa burol ni Brix sa Mandaluyong. Alas kuwatro na nang hapon ako nakarating. Sinalubong agad ako ni Myrna, ang asawa ni Brix. Umiiyak siya habang ikinukuwento niya ang aksidenteng pagkakahulog ni Brix sa building.

“Paano mo nalaman, Alex?” tanong sa akin ni Myrna nang mahimasmasan.

“Ang alin?” tanong ko.

“Na mamamatay siya.”

Nagulat ako. Wala akong matandaang sinabing gano’n. Hinila ako ni Myrna sa video room ng bahay, at ipinapanuod sa akin ang isang video mula sa CCTV na may Digital Video Recorder. Kuha iyon sa main office nina Brix sa Ortigas isang oras bago siya pumunta sa construction site, kung saan siya naaksidente. At namangha ako nang makita ang aking sarili sa video, kausap ni Brix. Hindi ako makapaniwala. Paanong mangyayari iyon, eh nasa private ward ako ni Michelle during that time? Masyado ring malayo ang Ortigas sa Batangas para ratingin ko ng ganun kadali. Bigla kong naalala si Allan. Ginaya ako ni Allan para sabihin kay Brix ang mangyayaring aksidente? Tatlong beses ko pang inulit ang video. Duda akong may kakaiba sa napapanuod ko. Nasa ganoon akong pag-iisip nang tumawag ang nars mula sa San Pablo Doctor’s Hospital, nagkamalay na raw si Michelle. Nagpaalam na ako kay Myrna na walang malinaw na paliwanag. Nag-iwan na lang ako ng kaunting abuloy. Magulong-magulo ang isip ko habang nagda-drive pabalik ng Batangas. At nagsimula namang pumatak ang ulan.

Gabi na at umuulan pa rin nang dumating ako sa ospital. Ewan ko kung bakit, pero nagsisisigaw si Michelle pagkakita sa akin. Takot na takot. Inalo ko siya, napakalma sa tulong ng mga nars. At nang makausap ko, nagulat na naman ako. Pareho ang kwento niya sa kwento ni Myrna. Nakita rin daw niya ako’t nakausap sa burol ni Andrea noong gabing bago siya naaksidente. Ganoon din ang kwentong itinawag sa kanya ni Andrea bago ito namatay. Nakausap daw ako ni Andrea sa bus terminal at sinabihang maaaksidente ito. Iisa lang ang aming kwento! At lahat ay premonisyon ni Allan! Pero bakit kami? Anong meron sa amin para sa amin mangyari ang mga aksidente? At saka ko natanto ang common denominator nina Andrea, Michelle at Brix. Sila, at silang tatlo lang ang tanging nakakaalam ng aking lihim!

Pumasok ako sa loob ng banyo, at humarap sa malapad na salamin. Parang tumanda ako ng limang taon sa itsura ko. Biglang may nagsalita sa likuran ko, “Ano, Alex? Alam mo na?” Lumingon ako’t nakita si Allan. Muli, may napansin akong kakaiba sa kanya.

Itutuloy...

ORIGINALLY POSTED IN:
DAIGDIG NG KABABALAGHAN - Umbraculum Mysterium, FACEBOOKSaturday at 4:36pm
Back to top Go down
View user profile http://kababalaghan.forumotion.com
 
ANG AKING KAKAMBAL (2 of 4) by: John Capellan
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Quartermaster Major. John Berryman
» JOHN GEORGE HEUGH, COMMANDER, D.S.O., ROYAL NAVY
» Commander John Pemberton Plumptre Coote.
» A most interesting profile of John Hayward the Executive Consultant in the Medal Department at Spink
» John Downie

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Daigdig ng Kababalaghan :: WORLD MYSTERIES :: Mga Kwentong Kababalaghan-
Jump to: