Nihil est tam occultum qoud non sit detegendum...
 
PortalHomeCalendarGalleryFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 ANG AKING KAKAMBAL (4 of 4) by: John Capellan

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Kababalaghan_Admin
Admin


Posts : 87
Join date : 2009-10-27
Age : 37
Location : Bicol, Philippines

PostSubject: ANG AKING KAKAMBAL (4 of 4) by: John Capellan   Tue Jul 12, 2011 5:03 pm

Nag-brownout pa nang mga sandaling iyon. Kaya sa pamamagitan ng liwanag na nagmumula sa cellphone ni Irene, tinahak namin ang madilim na daan pabalik sa sasakyan. Nagmamadali kaming sumakay at umalis. Humina na ang ulan. Madilim sa paligid dahil sa kawalan ng ilaw sa mga poste at kabahayan.

“’Yung nakita natin kanina, anong ibig sabihin non?” tanong ko, habang nagda-drive. Magkatabi kami ni Irene sa sasakyan.

“Doppelganger, Alex,” sagot niya. “Siya ang sarili mo, na naghahatid ng masamang pangitain sa’yo. Si Percy Bysshe Shelley, isang manunulat, namatay siya matapos niyang makita ang kanyang doppelganger sa panaginip. Lumubog ang sinasakyan niyang bangka at nalunod ilang araw bago ang kanyang 30th birthday noong 1822. Si US President Abraham Lincoln, nakita rin ang kanyang doppelganger sa salamin. Namatay siya sa kanyang assassination noong Good Friday nang taong 1865. Kamatayan ang kadalasang hatid ng isang doppelganger, Alex. Kung minsan, hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa mga mahal sa buhay.”

Natakot ako. “I’m sorry, Irene. Kasalanan kong lahat ito.”

Tumingin sa akin si Irene. Nakita ko rin ang takot sa kanyang mga mata.

“Matagal na akong nagtataksil sa’yo, Irene. Apat na taon na kaming may relasyon ni Michelle, at sina Brix at Andrea lang ang nakakaalam. Napahamak din sila nang dahil sa akin,” pumatak ang luha ko. “Tumulad ako kay Papa na hindi napanindigan ang pagiging mabuting ama at asawa. Iyon ang dahilan kung bakit dinadalaw ako ng sarili kong multo. Ngayon, nasa panganib ang buhay ni Jayson, at hindi ko mapaptawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya...”

Matagal bago yumakap sa braso ko si Irene. Pinatawad niya ako. “Hindi pa huli ang lahat, Alex. May panahon pa.”

Biglang nag-ring ang cellphone ni Irene. Si Aling Tess ang tumawag. Nasusunog daw ang bahay nila at na-trap sila ni Jayson sa loob. At para namang nananadya, tumigil ang buhos ng ulan. Lalo ko pang pinabilis ang sasakyan. Pumapatak pa rin ang luha ko, sising-sisi sa mga nangyayari. Sana nga, may panahon pa.

Nasa third alarm na ang sunog nang dumating kami. Halos 70 percent na ng bahay ang natupok, at malakas pa rin ang apoy. Hirap ang mga bumbero na apulahin ito. Taranta na rin ang iba pang kapitbahay. Umiiyak na si Irene. Alam kasi niyang madaling atakehin ng hika si Jayson lalo na’t usok ang nalalanghap nito. May isang oras nang nasusunog ang bahay, at sa pagkakataong ito, kung ‘di man sunog na ang katawan ng bata, malamang mamatay rin ito sa kahirapang huminga. At ‘yon ang hindi ko kayang tanggapin. Kaya naman, sumabay ako sa pagpasok ng tatlong bombero sa nasusunog na bahay. Sa ground floor pa lang, hindi na agad kami magkakitaan dahil sa kapal ng usok. Nagkalat na rin ang mga bumagsak na bahagi ng bahay. Agad kong hinanap si Jayson. Tupok na ang sala at kusina. Ang kwarto sa ibaba ay kasalukuyang nilalamon ng apoy. Kinuha ko ang kumot doon at binasa sa katabing banyo. Naging proteksyon ko iyon sa apoy, pero nagsimula namang dumugo ang sugat ko sa binti.

“Jayson!” tawag ko, sabay akyat sa second floor. Nakakalat na rin doon ang apoy. Pinasok ko ang unang kwarto, nakita kong nakahandusay si Aling Tess. Na-suffocate na siya sa usok. Isang bumbero ang pumasok doon, at siyang bumuhat sa matanda. Hinanap ko si Jayson sa buong kwarto, subalit wala akong nakita kundi mga nagliliyab na gamit. Nasaan na si Jayson? Paglabas ko ng kwarto, nakaramdam ako ng matinding sakit sa binti. Tumatagas na ang dugo sa sugat ko. Pipilay-pilay akong pumasok sa pangalawang kwarto. Wala rin doon ang bata.

“Jayson....” Unti-unti akong nawalan ng pag-asa. Kung si Aling Tess, nawalan na ng malay dahil sa kapal ng usok, malamang patay na ngayon si Jayson. Umiyak ako habang inaalala ang naging bonding namin sa ospital. Sabay, sumagi sa isip ko ang mga tips ko sa kanya kapag inatake uli ng hika. “Bukod sa paggamit ng nebulizer, importanteng lumabas ka sa open area para sa masmaluwag na paghinga.” Open area! Nasa open area si Jayson!

Kahit duguan na ang binti ko, tumakbo uli ako at naghanap ng open area. Terrace. Balcony. Lanai. Pero wala akong nakita. Minsan ko nang napasok ang bahay na ito, at ang natatandaan kong open area na meron ito ay ang garden at playground sa ibaba.

...At ang roof deck sa itaas! Tama! Nasa roof deck si Jayson! Mabilis kong hinanap ang hagdan paakyat. Pagpanhik ko’y agad din itong bumigay. Wala na akong dadaanan pababa. Sa roof deck, dama ko ang init na nagmumula sa ilalaim. Naroon nga ang anak ko! Mahigpit niya akong niyakap. Umiiyak. Sorry ako nang sorry sa kanya. Nang may marinig uli akong bumagsak, doon lang ako parang natauhan. Kailangan na naming makaalis bago pa tuluyang gumuho ang bahay. Sumampa kami sa balustrade ng roof deck, at tumalon sa ibabaw ng bubong. Dahan-dahan kaming tumulay hanggang sa parteng kita na kami ng mga bumbero sa ibaba. Nagsigawan ang mga tao sa labas nang makita kami. Agad ding kumilos ang mga bumbero sa firetruck. Sa pamamagitan ng ladder nito, naibaba kami sa ligtas na lugar. Sinalubong kami ng umiiyak na si Irene.

Madaling araw na nang ideklarang fire out ang sunog, pero halos wala nang natira sa bahay ni Aling Tess. Ipinagpasalamat na lang niya na siya’y nakaligtas rin. Muling ginamot ang sugat ko sa ospital. Pati na ang kalusugan ni Jayson ay tiningnan. Pagkatapos ng ilang araw, gumaling si Michelle. Tinapos ko na ang relasyon sa kanya. Naintindihan naman niya iyon, at siya na rin ang kusang lumayo. Dinalaw ko ang puntod nina Brix at Andrea upang humingi ng tawad. Pansamantala rin akong nag-leave sa aking trabaho para bumawi sa aking mag-ina. Nagbakasyon kami sa Singapore. Mula noon, hindi na nagpakita sa akin ang aking “kakambal”.


______________________________​___________
*DOPPELGANGER. It can be the ghost of a living person or any other sort of physical double. The idea of a doppelganger is sometimes similar to that of an “evil twin”. Seeing one’s own doppelganger is considered very bad luck, often heralding death or serious illness of the doppelganger’s original.
Source: http://www.wisegeek.com/what-i​s-a-doppelganger.htm

ORIGINALLY POSTED IN:
DAIGDIG NG KABABALAGHAN - Umbraculum Mysterium, FACEBOOK July 11, 2011
Back to top Go down
View user profile http://kababalaghan.forumotion.com
 
ANG AKING KAKAMBAL (4 of 4) by: John Capellan
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Quartermaster Major. John Berryman
» JOHN GEORGE HEUGH, COMMANDER, D.S.O., ROYAL NAVY
» Commander John Pemberton Plumptre Coote.
» A most interesting profile of John Hayward the Executive Consultant in the Medal Department at Spink
» John Downie

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Daigdig ng Kababalaghan :: WORLD MYSTERIES :: Mga Kwentong Kababalaghan-
Jump to: