Nihil est tam occultum qoud non sit detegendum...
 
PortalHomeCalendarGalleryFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 MGA LIHIM NA KALIKASAN - SECRETOS DE LA NATURALEZA

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Kababalaghan_Admin
Admin


Posts : 87
Join date : 2009-10-27
Age : 37
Location : Bicol, Philippines

PostSubject: MGA LIHIM NA KALIKASAN - SECRETOS DE LA NATURALEZA   Tue Dec 06, 2011 5:52 pm

UKOL SA PAGKILALA NG PAG-UUGALI NG TAO SA TABAS NG MUKHA, NOO ILONG, MATA, TAYNGA’ IBP.

Sinasabi, sa sino mang tao, na ang angking bikas ang pananalita ang mga kilos, ang sulat ay pangiwi o mahilig ay akalain na ang pag-iisip, mga kagagawan at mga kaugalian ay madidilim salawahan, magdaraya, mapagsumang, masasama at malulupit.

Ang may ulong napakatambok ay lagi ng may ugaling magalas. Kung napakaliit ay tanda ng kahinaan at walang kakayahan.

Ang ulong nakahilig sa lupa lagging tungo, ay tanda ng karunungan at mataman sa ano mang kahiligan. Isang ulong tabingi ay nagkakahulugan ng isang pagdidiwang pangkaraniwan at mahinang pag-iisip.

Ang isang pagmumukhang malaman ay nagpapaniwalain, masayahin, matatakutin, mapagmapuri sa sarili. Ang taong masipag ay may pagmumukhang papawisin sa bahagyang paggawa, ay nagbabalita ng ng isang pag-uugali ng magalas (bastos), pagdidiwang halaghag at mahilig sa pagkain ng kakanin I ssa masasarap na ulam. Isang pagmumukhang putlain ay tanda ng pagkahilig sa kaginhawahan ng Pag-ibig.

Ang may mga buhok na mahahaba, malaman at walang dapat ikahalatang pagbabago, ay mga pangkaraniwan. Ang mga buhok na naninilaw, makintab at mainam tingnan kung iladlad ay tanda ng kamahalan. Ang may mabuhok na maitim, malaman, malago at makapal, tanda ng kakauntian ng sigla ng pagtitiyaga at pag-ibig sa kapanatagan. Ang may malalambot na pagbubuhok ay may isang himig ng katawang maselan. Ang may mapula kung bubuti’y mabuti, kung pasasama ay masama. Ang may buhok na magalbo (pino) ay nagpapakilala ng pagkamatatakutin; datapwa’t ang may magaspang at magalas ay nagpapakilala ng katapangan, at ang palatandaang ito maaaring mahahalata sa karamihan, maging sa tao at maging sa mga hayop. Sa mga apat ang paa, katulad ng pusa, tupa, ibp., na matatakutin shil sa kagalbusan ng balahibo; nguni’t ang leon (halimaw), ang baboy damo, ibp., sa kagaspangan ay mga mababangis. Ang may maitim at malatan buhok, may kapanutan, ang noo’y may kataasan at balatok nagpapakilala ng isang isipang matuso at matatag, nguni’t walang gaanong pagdidili. Ang may buhok na malambot at malanang ay nagpapakilala ng karalitaan ng pag-iisip. Ang may buhok na kulot ay tanda ng kagaspangan, walang kabuluhang tao at malilibog.

Malaganap na baang (balbas) sa isang lalaki ay nagpapakilala ng kaganapan sa kanyang pagkalalaki. Ang lalaking may bang na madalang at masama ang tubo, ay naghihiwatig na ang lalaking ito ay may mabuti buti lamang sa babae ang kalakasan at uri. Ang lalaking walang baang balbas ay hindi lalaki. Ang nga babae ay di tinutubuan ng baang sapagka’t ang init na nagpapasipot nito sa lalaki ay nawawala sa kanila, dahil sa sakit ng tiyan (regla) na sa buwan buwan ay dumarating sa kanila; kaya nga’t ang babaing tubuan ng mahahabang sa mukha o tubuan ng baang sa nga nguso ay may himig na maiinit, at isang kalikasang mapangahas, masigla at malalaking kilos. Ang babaing may bang at lalaking wala, alinsunod sa kabalintunaan nagpapapahayag sa mga mayroon nito, ay tunay na paguugaling tiwali sa uri nilang pagkababae o pagkalalaki.

Kung ang kulay ng baang ay nakakaiba sa kulay ng buhok ay walang anumang ibinabalitang ano mang maputi, gayong din kng ang kulay ng buhok ay nagkakaiba sa kulay ng kilay, ay tunay na nagbabalita na di dapat pagkatiwalaan.

Ang noo ang sabi ni Heider ay siyang hantungang mapagkikilanlan karalitaan, ng pananain, ng kabalbalan, ng kamangmangan at paghihinala. Siya ang sa lahat ng bahagi ng mukha ay naggagawad ng malaking kabuluhan. Ang noo’ lalong mainam kilanlin sa patagilid at maaring mabahagi sa tatlong hilig; ang una, ang nakahilig sa pagtalikod, ang ikalawa’y ang patwid at ang ikatlo’y ang matambok. Ang may noong mahilig sa likod ay naghihiwatig ng pagkakaroon ng pagdiwa, pagiisip at kalakasan. Ang may noong patuwid at lalo na kung ang buhok ay umaabat sa kilay, tanda ng kagulangan ng katalinuhan.

Isang noong patwid na tumambok sa kaituktukak, ay nagsasabi ng isang katalinuhang mapaglirip at matarok. Ang mga noong mataas ay tunay na sagisag ng mga pagdidiwang mahikina at may hangganan, lalo na’t kung hindi makarating sa kagulangan ng pagkatuto. Yaong mga noong mahubog at walang panu’ukan ay naghihiwatig ng katamisan at kalambutan ng paguugali. Kapag ang noo ay bilugan at maumbok sa dakong itaas na patuwid sa pababa ay tanda ng ganap na katalinuhan, maliksi at magagalitin; nguni’t may pusong malamig. Kailan ma’t ang noo ay labis ng laki o ng lapad ay lalo namang Nagpapakilala ng kakulangan ng pagdidiwa.

Ng upang ang isang pagnonoo ay gumanda, ay kailangan mabagay sa pagmumukha, huwag maging alangan at kung magkakaganito, ay tanda ng kamahalan ng paguugali at kayamanan ng kaisipan.

Kung ang boto ng noo sa itaas ng hukay ng mata ay malabas, ay tanda ng kakayahan sa pag-aaral ng ano mang dunong at ng isang buhay na kilos sa pasasagawa ng ano mang tikma

Mangyaring mawala ang ganitong katambukan sa mga ulong siksik ng katalinuhan nguni’t halatain na ang mga matatalinong iyan. Ay may matatambok na kilay na walang iniwan sa kinis ng itlog sa hubok at bilog na nahahalata na ito’y umaaabot hangan sa palispisan.

Ang may makitid na noo, may hukay, bakilbakil, lupod sa dalawang dako, laging kumukunot, ay nagbabalita na walang dapat na hintaing mabuti sa may noong ganito at hindi marapat pagkatiwalaan.

Ang may noong hawig parisukat, ang mga panabihan ay aliwalas at ang hukay ng mga mata ay hayag, ay nagpapakilala ng katalinuhan at katapangan. Isang pagnonoong butuhan at makapal ang balat, ay tanda ng kabalbalan at mapagpalungin. Isang noong mataas sa pagmumukahang mahawas at matulis ang baba, ay tanda ng kahinaan at kawalang kaya.


MAHALAGANG BABASAHIN UKOL SA

KARUNUNGANG LIHIM

“Astrologia o Lunario Perpetuo, Secretos de la Naturaliza o mga Kalihimang Kalikasan at Hipnotismo o Kabalanihan, ibp.”



na sinulat ni

Honorio Lopez



Licenciado sa Leyes, Agronomo, Agrimensor, Manunulat at may katha ng balitang Kalendaryong Dimasalang na may 43 taon na ngayong inilathala.

Nagging kinatawan ng Hunta Munisipal ng Siyudad ng Maynila.



UNANG PAGKALIMBAG 3,000 SALIN 1915.

IKALAWANG PAGKALIMBAG 3,000 SALIN 1917.

IKATLONG PAGKALIMBAG 5,000 SLIN 1921.

IKAAPAT NA PAGKALIMBAG 2,000 SALIN 1964.



1964

MAYNILA



Don Honorio Lopez Publications

2875 Rizal Avenue
Back to top Go down
View user profile http://kababalaghan.forumotion.com
 
MGA LIHIM NA KALIKASAN - SECRETOS DE LA NATURALEZA
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Daigdig ng Kababalaghan :: MGA KARUNUNGANG LIHIM :: MGA KAKAIBA PANG TALAKAYAN-
Jump to: