Nihil est tam occultum qoud non sit detegendum...
 
PortalHomeCalendarGalleryFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 ONANG JIMENEZ

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Kababalaghan_Admin
Admin


Posts : 87
Join date : 2009-10-27
Age : 37
Location : Bicol, Philippines

PostSubject: ONANG JIMENEZ   Thu Feb 27, 2014 3:45 pm

Panahon ng hapon bantog ang pangalang "Onang Jimenez", hindi ko sigurado kung anong kapangyarihan ang taglay niya at kung saan ito nagmula, ayon sa mga taong nakapagkwento saken may kakayanan raw itong makarating sa isang lugar na nais niyang puntahan sa ilang sandali lamang (parang 'teleportation').

Meron din siyang taglay na animo'y kaha ng posporo na meron ding tila mga palito sa loob nito, at kapag ito ay inihagis niya sa lupa ay mga nagiging parang sundalo, na sinasabing nakikipaglaban ang mga ito sa mga hapon. Nong panahon naninirahan siya sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte. Ayon rin sa mga salaysay ng mga taong nakakakilala sa kanya maraming beses na nagkaligaw-ligaw ang mga hapon sa pagtukoy sa bayan ng Vinzons dahil sa karunungang taglay ni Onang nagagawa nitong dayain ang paningin ng mga hapon, tingin raw ng mga hapon sa lugar ay isang malawak na dagat.

Minsan naman sa isang pagtitipon, nagpamalas ng angking mahika si Onang na nasaksihan mismo ng kapatid ng nanay ko. "May isang bata na pinahiga sa lamesa at ginawang langkang hinog, pagkatapos non ay pinaghati-hati at ipinamahagi sa mga taong naroroon, ang bilin ay huwag itapon ang mga buto at ito'y ipunin, ganun nga ang nangyari tinipon ang mga buto ng langka at sa isang iglap naging bata uli ito."

Bago pumanaw si Onang ay itinago nito ang kanyang mga gamit ng 'Lihim Na Karunungan" sa bayan ng Basud, dito niya ibinaon ang mga aklat, panyo, medalyon atbp. Sa kabutihang palad napasakamay naman ito ng isa ring tao na may taglay na karunungang lihim, nakuha niya ang mga ibinaong gamit ni Onang maliban sa medalyon. Ibinaon raw kc ito ng hiwa-hiwalay na nakabalot sa mga plastic ayon sa asawa nito.

Ang nagtaglay ng mga gamit ni Onang ay nagngangalang "Efren Abarca", pero ang taong ito ay pumanaw na rin. Personal ko pa siyang nakausap nong mga panahong nabubuhay pa siya, subalit pahapyaw lang naming napagkwentuhan ang mga gamit na nakuha niya, isa na rito ang palagiang nagagamit niya ay ang karunungan ng teleportation, nang mga panahong iyon ay hindi pa ako masyadong nagkakainteres sa mga gamit na taglay niya, napukaw na lang uli ang aking pagnanais na malaman ito ng makakilala ko online ang mga kaibigan na may interes din sa KARUNUNGANG LIHIM. Pero, sa kasamaang palad ng hanapin ko si Efren ay wala na siya. Tanging nakita ko na lang ang mga notebook niya na naglalaman ng iba't-ibang orasyon, may mga nakasulat rin doon na mga karunungan ng mga Rizalista. Ayon sa kanyang anak ang ibang gamit ay sinunog ng kanyang ama nong malapit na itong mamatay, ang ilan naman ay naipamahagi sa ilang malalapit niyang kaibigan, ang aklat naman na hiniram ng pinsan nila ay hindi na rin matagpuan sapagkat namatay na rin ito, kaya sa ngayon lito na sila kung sino ng nagtatangan nito.

Nakakapanghinayang rin sapagkat ang mga gamit na iyon ay subok na, pero isa sa lubos na pinanghihinayangan ko ay ang karunungang nilalaman ng mga gamit ni Onang Jimenez, lalo na iyong kung papano makakarating ng mabilis sa isang lugar. Sana matagpuan ko pa rin ito, hindi man sa kanya nawa'y gabayan ako ng Poong Lumikha na makatagpo ng karunungang iyon.



ito ay tugon na kwento sa post ko na patungkol kay "ONANG JIMENEZ" na iponost ko rin sa mga kasamahan sa KALIPUNAN NG MAG-AANTING, mula sa comment ni Ka D13...

"share ko lang bro karanasan namin ng tropa ng bumabagtas kami ng kabundukan ng Sierra Madre, may kasama kami na ang tawag nila ay TATAY around 65 yrs old sya. gilid ng bangin mga dinadaanan namin at magkakasunod kami sa paglalakad, single pile lang kasi makitid daan at babagsakan mo bangin pag nagkamali ka ng hakbang. may nasalubong kamina nakilala ni tatay at nag-huntahan muna sila at sumenyas si tatay na umuna na kami. tanaw namin sila habang kami ay papataas ng bundok, halos 2km na ang pagitan namin kay tatay, hanggang sa nawala na sya sa paningin namin at half day namin sya na di nakita. diretso lamang kami ng lakad kasi mahirap abutn ng dilim sa daan at may babagtasin pa kami na malaking ilog na natatawid lang sa pamamagitan ng bangka. sa madaling salita inabot namin yung side na tatawirin namin. laking gulat namin ng matanaw namin si tatay sa kabilang pangpang at kumakaway na bilisan daw namin at kanina pa sya naghihintay. walang ibang daan, patungo sa lugar na yun kundi yung aming binagtas, ang mga kasma namin na mga dumagat ay nag-ngitian na lang at sabi nila, "sumakay na naman sa hangin si tatay"...."

ENCANTO: "halos ganyan nga rin po Ka Doble, may ideya ka ba kung anong gamit yan? kung sa mga gamit lang yan na lang pag iinteresan ko libre pamasahe pa hehehe..."

D13: "nung iniinterview ko si tatay ay puro ngiti laang sagot sa akin. pero sabi ng isang anak nya ay "La Campania De Jesuchristo" daw. taga brgy Peza, Gen. Nakar sya bro buhay pa at malakas pa."
Back to top Go down
View user profile http://kababalaghan.forumotion.com
 
ONANG JIMENEZ
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Daigdig ng Kababalaghan :: WORLD MYSTERIES :: ENCOUNTERS-
Jump to: