Nihil est tam occultum qoud non sit detegendum...
 
PortalHomeCalendarGalleryFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 MANANG HILAW (Higante ng Bicol) Part II

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Kababalaghan_Admin
Admin


Posts : 87
Join date : 2009-10-27
Age : 37
Location : Bicol, Philippines

PostSubject: MANANG HILAW (Higante ng Bicol) Part II   Thu Feb 27, 2014 3:50 pm


Noong unang panahon may mga tinatawag ang matatanda sa Bicol na Manang Hilaw ito ay mga nilalang na may hindi pangkaraniwang sukat na mas malaki kesa sa ordinaryong tao, higante kung turingan ng iba. Sangayon sa mga kwento at pagtatanong-tanong ko ang Manang Hilaw ay kumakain ng mga hayop at kapag wala silang makuhang hayop tao naman ang kinakain nila kadalasan ay mga bata na naliligaw sa kagubatan.

Noong taong 80's merong higante na natagpuan sa Quezon Province, hindi ko na muna sasabihin ang eksaktong lugar. Sa salaysay ng kakilala ko na nakakita mismo sa higante sinasabi nila na mataas ito halos umabot ng isang bagoon ng tren. Sa kanilang pagkakaalam nahuli raw ito ng mga sundalo sa isang bundok sa Quezon, mag-inang higante ang kanilang nahuli. Sang-ayon pa sa kwento ang pinapakain ng mga sundalo ay hilaw na manok, at pinaiinom nila ng dugo ng baka. Tumagal ang mag-inang higante ng labinlimang (15) araw sa baba ng bundok habang nakakadena sa bagoon ng tren, marami raw dumayo sa lugar na yon kung sino-sinong tao para makita lang ang higante.

Bago ang version ng kwentong ito, may una ng nakapagkwento saken, isang dating kapitan sa lugar namin na mahilig sa mestisismo. Sang-ayon sa kwento niya saken ang higante na sinasabing natagpuan sa bundok ng Quezon Province ay nahuli sa kabundukan ng Isarog sa Bicol, dinala lang doon ng mga sundalo, na kung saan medyo nagkakaroon ng kaugnayan sa Manang Hilaw ng bicol.

Kagabi habang kausap ko ng kaibigan kong taga Sorsogon nakwento niya na sa lugar nila sa Brgy. 16 kung kanyang tawagin merong tao na tinatawag nilang "Manang Hilaw" dahil sa kakaiba nitong taas kapag kausap nya nga raw nakatingala siya, at ayon din sa kanya nabubuhat nito ang kahoy na may sukat na 12x10x3 ng mag isa lang. Sa tantya nya halos umaabot ng 11ft. ang taong ito, pero ang punto ko dito ay yong pagtawag sa kanya ng Manang Hilaw nangangahulugan lang na meron talagang ganitong nilalang na tinatawag sa Bicol.

Sa ibang pagkakataon at panahon maaaring ipagpatuloy ko ang pagsaliksik dito, lalo na kung may mga kasamang tutulong sa paghanap ng ibang impormasyon kaugnay sa bagay na ito.
Back to top Go down
View user profile http://kababalaghan.forumotion.com
 
MANANG HILAW (Higante ng Bicol) Part II
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» It's a date part 2!!!!
» [ROLEPLAYING THREAD] Infinity's Row: Awakening, Part 2
» Zoey and Loren.... What the heck!
» Army Discipline Act of 1879
» A MEDAL given to a Northwich soldier who took part in the Zulu War.

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Daigdig ng Kababalaghan :: WORLD MYSTERIES :: ENCOUNTERS-
Jump to: