Daigdig ng Kababalaghan
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


Nihil est tam occultum qoud non sit detegendum...
 
PortalHomeGallerySearchLatest imagesRegisterLog in

 

  ANG AKING KAKAMBAL (3 of 4) by: John Capellan

Go down 
AuthorMessage
Kababalaghan_Admin
Admin
Kababalaghan_Admin


Posts : 87
Join date : 2009-10-27
Age : 44
Location : Bicol, Philippines

 ANG AKING KAKAMBAL (3 of 4) by: John Capellan Empty
PostSubject: ANG AKING KAKAMBAL (3 of 4) by: John Capellan    ANG AKING KAKAMBAL (3 of 4) by: John Capellan I_icon_minitimeTue Jul 12, 2011 4:49 pm

Mula sa pagkakaharap ko sa salamin, nilingon ko si Allan. May napansin akong kakaiba sa kanya. At nang magtanong ako, may bahid iyon ng galit, “Ano ba talaga ang kailangan mo?”

“Ikaw, Alex! Gusto kong magbayad ka!” Sumbat niya. “Pero kung hindi ka mamamatay, pwede nang pambayad ang pamilya mo. Tutal hindi mo naman sila kailangan, di ba? Niloloko mo lang sila!”

Hindi na ako nakapagpigil. Sinugod ko siya’t sinakal, “Wag na ‘wag mong pakikialaman ang mag-ina ko!” Subalit sumakit ang mga sugat ko. Unti-unti ko siyang binitiwan. Siya naman, nagsimulang ngumiti. Nakakatakot ang ngiting iyon. Pagkatapos ay humalakhak, habang papalabas ng banyo. Para akong kandilang naupos sa sahig. Walang magawa. Napatingin ako sa labas ng bintana. Unti-unti nang lumalakas ang ulan. Naririnig ko pa rin ang halakhak ni Allan, at ang banta nito sa aking pamilya. Bumalikwas ako nang bangon. Mapapahamak sina Irene at Jayson!

Mabilis akong lumabas ng banyo, at nagpaalam kay Michelle. Tinatakbo ko na ang hallway palabas ng ospital, habang tumatawag sa bahay. Ring lang nang ring ang telepono, walang sumasagot. Walang tao sa bahay! Nasaan sina Irene at Jayson? Tiningnan ko ang oras—alas nuwebe na nang gabi. Kahit malakas ang ulan, sinuong ko ang parking lot. Agad akong sumakay sa kotse ko, at umalis. Habang nagda-drive, tinawagan ko ang cellphone ni Irene. At nang sagutin, nawawala-wala pa ang signal niya.

“I’m sorry, Alex. Hindi na ako nakapagpaalam sa’yo. Nakasakay ako ngayon sa ferry boat pabalik ng Batangas Pier,” sagot ni Irene. Paputol-putol pa ang aming pag-uusap dahil sa hirap ng signal. “Galing ako sa mga relatives ni Papa sa Calapan. Patay na pala si Allan. Nasa Japan siya, at kasamang namatay sa lindol doon noong March 11.”

Natigilan ako. Pansamantalang nalungkot sa masamang balita. Pero higit pa roon, nakakapagtakang nakikita ko’t nakakausap dito si Allan. Nagmumulto ba siya?

“Si Jayson, iniwan ko muna kay Aling Tess,” patuloy ni Irene. “Don’t worry, alam na ni Aling Tess ang gagawin sakaling sumpungin uli siya ng hika.”

Gusto kong magalit kay Irene sa pagpunta niya sa Mindoro. Pero nand’yan na eh, wala na akong magagawa. “Pupuntahan kita d’yan.”

“’Wag na, Alex. Masama ang panahon.” Dinig ko sa cellphone ang ingay ng malakas na hangin at malalaking alon. Sabay nawala na naman ang signal niya.

Lalo pa akong kinabahan. Mabilis ang paharurot ko sa sasakyan, kahit maulan at alam kong madulas ang kalsada. Importanteng masundo ko si Irene bago pa lang may mangyaring masama sa kanya. Habang nasa daan, tinawagan ko naman si Aling Tess sa bahay nito. Kinumusta ko si Jayson. Pagkatapos ay binilinan ko ang matanda, “’Wag nyo pong palalabasin si Jayson kahit na anong mangyari. Susunduin na lang po namin sya d’yan mamaya.”

10:15 na nang gabi, at malapit na ako sa pier nang biglang tumawag si Irene. Sumisigaw siya, “Alex, lumulubog kami! Lumulubog kami!” Dinig ko ang sigawan ng iba pang pasahero ng ferry boat, may mga nagdadasal at may mga nag-iiyakan. Pagkatapos no’n, tumunog na ang cellphone ko. Lowbat! Nagpanic na ako sa loob ng sasakyan. Nangilid ang luha ko, sabay nagdasal, “Diyos ko, ‘Wag po ang pamilya ko...”

Ilang minuto pa at narating ko ang pier. Nagkakagulo ang mga tao. Mabilis akong bumaba ng sasakyan, hindi alintana ang ulan. Pumuslit ako sa gwardya hanggang makarating ako sa mismong daungan. Mula roon, tanaw ko ang lumulubog na ferry boat. Tatlong motorboat ang nagpapabalik balik para ihatid sa pampang ang mga pasahero. Natataranta kong hinanap si Irene sa karamihan ng mga tao. Ang ibang pasahero’y doon na binigyan ng first aid. Ang iba nama’y dinala sa clinic. Hindi ko pa rin makita si Irene. Muli akong lumabas at tinanaw ang barko. Lubog na sa dagat ang kalahati nito. Naiiyak akong isipin na na-trap si Irene sa loob niyon.

Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Pumasok ako sa administration building ng pier at doon naghanap. Sa isang maliit na private office, nakita ko si Irene. Bakas sa mukha ang trauma ng aksidente. Binigyan siya ng damit ng isang female crew, at doon nagbihis. “Alex!” agad niya akong niyakap nang mahigpit pagkakita sa akin. “I’m sorry.”

“It’s okay,” bulong ko. “Ang importante, ligtas ka na.”

Glass ang pinto ng opisinang iyon. Mula sa loob, tanaw namin ni Irene ang hallway patungo sa iba pang area ng administration building. At tanaw din namin ang isang pamilyar na lalaking nakatayo sa gitna niyon. Nakangiti. Nakakatakot na ngiti. Si Allan! Si Irene ang dahan-dahang lumapit sa pinto para mapagmasdan siyang mabuti. Kinabahan na naman ako. “Nakikita mo siya?” tanong ko.

Tumango siya. Pagkatapos ay biglang napaurong sa takot. “Tingnan mo siya, Alex.”

“Bakit?” Tumingin ako.

“Wala siyang anino!” sagot ni Irene.

Kasunod niyon, na-realize ko kung ano ang kakaiba sa video na napanuod ko kina Myrna. Wala ring anino si Allan doon habang kausap si Brix. At pati ang kakaiba sa kanya sa banyo ng ward ni Michelle, alam ko na. Wala siyang reflection sa salamin!

Nakita naming tumalikod na si Allan at naglakad na palayo. May naiwan siyang kung anong bagay sa sahig. Halos hindi kami kumukurap. Maliwanag ang hallway kaya sigurado kami—wala talaga siyang anino! Nagmumulto si Allan!

Pero higit pa roon ang naging reaksyon ni Irene, “Oh my God!”

“Bakit?” tanong ko.

“Hindi siya si Allan, Alex!”

Muli akong tumingin. Paano sasabihin ni Irene na hindi siya ang kakambal ko gayong kamukhang kamukha ko siya. “Kung hindi siya si Allan, sino siya?”

“Ikaw!” sagot niya. “Ikaw siya!”

“A-ako?!” Kinilabutan ako.

All this time, hindi pala si Allan ang nakikita ko, kundi ako rin! Ako mismo! Nakikita ko ang sarili kong multo! Biglang dumilim ang buong paligid. Brownout! Nagsigawan ang mga tao sa labas. Napakapit nang mahigpit sa bisig ko si Irene. Sabay na-realize ko kung ano ‘yung naiwan ni “Allan” sa sahig—ang Spongebob keychain na binigay ko kay Jayson! Isang masamang pangitain iyon para sa anak ko!

Itutuloy...

ORIGINALLY POSTED IN:
DAIGDIG NG KABABALAGHAN - Umbraculum Mysterium, FACEBOOK July 2011, Sunday at 6:06pm ·
Back to top Go down
https://kababalaghan.rpg-board.net
 
ANG AKING KAKAMBAL (3 of 4) by: John Capellan
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» ANG AKING KAKAMBAL (1 of 4) by: John Capellan
» ANG AKING KAKAMBAL (2 of 4) by: John Capellan
» ANG AKING KAKAMBAL (4 of 4) by: John Capellan

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Daigdig ng Kababalaghan :: WORLD MYSTERIES :: Mga Kwentong Kababalaghan-
Jump to: